5 miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa engkwentro sa Sulu




Loading...
Patay ang limang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf matapos makasagupa ang militar sa lalawigan ng Sulu.


Unang nakasagupa ng militar ang nasa 20 mga bandido na grupo ni ASG sub-leader Almujer Yaddah partikular sa boundary ng Barangay Tanum at Barangay Liang, sa munisipyo ng Patikul.

Apat na Abu Sayyaf ang kumpirmadong napatay habang limang ang sugatan sa panig ng mga sundalo.

Samantala, muling nakasagupa ng mga sundalo ang nasa 20 din na mga Abu Sayyaf na grupo ni Almadjan Sahidjuan alyas Apoh Mike sa may Tabu-Bato, Maimbung.

Dito ay napatay din ang isa pang Abu Sayyaf kung saan walang naiulat na casualty sa panig ng tropa ng pamahalaan.

https://rmn.ph/bakbakan-5-miyembro-ng-abu-sayyaf-patay-sa-engkwentro-sa-sulu/


Loading...