Grupong Kadamay, nagkilos protesta sa harap ng NHA




Loading...
Nangalampag sa harap ng National Housing Authority (NHA) ang grupo ng KADAMAY bago ang nakatakda nilang pagmartsa sa rally site.


Nagsagawa ng programa ang naturang urban poor group.

Ayon sa Kadamay, maraming mga nakatiwangwang na mga housing projects ang gobyerno.

Iginiit nila na agaran na nang ipamahagi sa mga maralita ang mga housing projects na hindi inookupahan ng mga sinasabing mga benepisaryo.

Maliban sa Kadamay, nagsagawa naman ng kilos protesta sa PHILCOA ang Lakbayan Southern Tagalog.

May hiwalay din na programa sa PHILCOA ang PISTON na bitbit ang isyu ng no to jeepney phase-out.

https://rmn.ph/kilos-protesta-grupong-kadamay-nagkilos-protesta-sa-harap-ng-nha/


Loading...