Posts

‘DI KINAYA | 1 pulis, 2 sibilyan sugatan matapos mabagsakan ng LED screen

Image
Sugatan ang isang pulis at dalawang civilian employee ng Philippine National Police (PNP) matapos mabagsakan ng LED Screen sa selebrasyon ng ika-117th Police Service Anniversary kahapon. Sa ulat ng PNP Health Service, isang babaeng pulis edad 42-anyos ang nabagsakan ng LED screen sa bunbunan. Nabagsakan rin ng LED screen sa kanyang kaliwang tuhod ang isang babaeng civilian employee edad 52-anyos. At tinamaan rin sa kanyang noo ang isang lalaking civilian employee na edad 60-anyos. Bumagsak ang LED screen dahil sa lakas ng hangin ng mag flypast ang bagong chopper ng PNP na Bell 428 habang ipinipresenta kay Pangulong Rodrigo Duterta na syang guest of honor and speaker sa selebrasyon at sa mga dumalo sa aktibidad kahapon sa Grandstand ng Camp Crame. Sa Findings ng PNP Health service walang nagtamo ng major injuries sa mga sugatan kaya agad ring pinauwi ang mga ito at binigyan na lamang ng iinuming gamot para sa kanilang sugat. Pero pinayuhan ng mga doktor na bumalik kung ma

SUNOG | Libu-libong mga pamilya, nawalan ng tirahan sa Jolo, Sulu

Image
Nawalan ng tirahan ang nasa libu-libong mga pamilya makaraang sumiklab ang isang malaking sunog malapit sa boundary ng Barangay Busbus at Barangay Walled City, Jolo, Sulu. Sa ulat, higit sa 3,000 bahay ang nasunog sa Barangay Busbus kung saan inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dahilan nito. Samantala, isang hiwalay na sunog ang sumiklab sa Barangay Lambayog na karatig-barangay lamang ng Barangay Busbus at ayon sa Sulu Province Fire, aabot sa 5,000 pamilya ang apektado sa sunog. Nabatid na may apat na residente ang dinala sa ospital matapos magtamo ng sugat dahil sa sunog. https://rmn.ph/sunog-libu-libong-mga-pamilya-nawalan-ng-tirahan-sa-jolo-sulu/

Grace Poe kay GMA: "Wala na bang iba?’

Image
Nadismaya si Senator Grace Poe sa pagbag-o sa leadership sa House of Representatives sa diin si anay pangulo kag karun Pampangga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ang ginbulos kay Cong. Pantaleon Alvarez bilang house speaker. “Bagama’t ako’y wala namang kapangyarihan na mamili dito sa lower House, minsan napapaisip ako, wala na bang ibang puwedeng pagpilian?” pahayag ni Poe. Sa pagbulos ni Arroyo sa ika-apat nga pinakamataas nga position sa pungsod, nagpaandam si Poe sa mga pumuluyo nga mangin vigilante sa ginapropose nga parliamentary form of government. “Kung magkakaroon ng parliamentary form of government, ang mamumuno sa Kongreso ay halos kapantay ang kapangyarihan sa presidente.” “So sabihin na natin, ang magiging speaker ngayon ay maging speaker ng panahon na iyan, ‘yan ba ang gusto ninyong pagbabago, na alam naman natin ay may pinagdaanan na ang ating bansa ng ilang taon?” https://rmn.ph/grace-poe-kay-gma-wala-na-bang-iba/

SONA ni Presidente Rodrigo Duterte

Image
Naihatid na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino ang kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA kahapon. Tumagal ang talumpati ng Pangulo ng 48-minuto na pinalakpakan ng 34 na beses. Sumentro ang SONA ni Pangulong Duterte sa illegal na droga, terorismo, TRAIN Law at pederalismo. Sinunod din ni Pangulong Duterte ang kanyang nakahandang talumpati na nagsasaad ng mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng dalawang taon. Bahagi din ng talumpati ng Pangulo ang paglatag ng mga plano niya pang gawin sa natitira niyang termino sa puwesto. Hindi naman nakitaan ng mahahabang impromptu speeches ang SONA kung saan kilala ang Pangulong Duterte. Kapansin-pansin din sa naging talumpati ng pangulo na wala ito halong pagmumura. Gayunman, naantala ang talumpati ni Pangulong Duterte ng isang oras at dalawampu’t isang minuto na dapat sana ay nagsimula ng alas- 4:00 ng hapon. http://www.dwiz882am.com/index.php/talumpati-ni-pangulong-duterte-sa-kanyang-ikatlong-sona-

Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, itutuloy ang mga legislative agenda ng Palasyo

Image
Nangako si dating Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Arroyo na itutuloy niya ang mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Arroyo sa kanyang inilabas na statement na asahang susuportahan at itutuloy niya ang mga panukalang batas na nais maipasa ni Pangulong Duterte sa Kamara. Ikinararangal din ni Arroyo ang pagpili sa kanya ng mga kapwa kongresista upang maging lider. Si GMA ay naluklok sa puwesto matapos makakuha ng 184 na Yes votes at 12 abstention sa naging botohan kagabi matapos ang SONA ng Pangulong Duterte. Wala namang lumalaban kay Arroyo bilang Speaker ng Mababang Kapulungan. Bago ang naging botohan kagabi una nang inihalal si GMA at pinanumpa sa harap ng mga dadalo sa SONA pero inulit ng mga kongresista ang botohan upang hindi makuwestyon ang legalidad nito. https://rmn.ph/nangako-speaker-gloria-macapagal-arroyo-itutuloy-ang-mga-legislative-agenda-ng-palasyo/

Pagkakatalaga kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, hindi nagustuhan ng ilang mambabatas

Image
Dismayado ang ilang mamababatas sa pagkakatalaga kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong House Speaker. Ayon kay Senadora Grace Poe, nakakapaghina ng loob ang nangyaring pagpapalit ng liderato ng Kamara lalo na sa mga nakikipaglaban para hustisya. Sabi naman ni Senadora Risa Hontiveros, pinapakita lamang nito kung gaano kahina ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tinawag naman ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago si Arroyyo na Election Cheater At Plunderer. Giit ni Elago, huwag sanang kalimutan ang kapalpakan sa termino ni Arroyo noong siya pa ang presidente. https://rmn.ph/dismayado-pagkakatalaga-kay-pampanga-rep-gloria-macapagal-arroyo-hindi-nagustuhan-ng-ilang-mambabatas/

Grupong Kadamay, nagkilos protesta sa harap ng NHA

Image
Nangalampag sa harap ng National Housing Authority (NHA) ang grupo ng KADAMAY bago ang nakatakda nilang pagmartsa sa rally site. Nagsagawa ng programa ang naturang urban poor group. Ayon sa Kadamay, maraming mga nakatiwangwang na mga housing projects ang gobyerno. Iginiit nila na agaran na nang ipamahagi sa mga maralita ang mga housing projects na hindi inookupahan ng mga sinasabing mga benepisaryo. Maliban sa Kadamay, nagsagawa naman ng kilos protesta sa PHILCOA ang Lakbayan Southern Tagalog. May hiwalay din na programa sa PHILCOA ang PISTON na bitbit ang isyu ng no to jeepney phase-out. https://rmn.ph/kilos-protesta-grupong-kadamay-nagkilos-protesta-sa-harap-ng-nha/