Posts

CHR Nakakalat sa mga Command Post para sa SONA

Image
Nakakalat na ngayon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue dito sa Quezon City ang apatnapung mga representante mula sa Commission on Human Rights (CHR). Ayon kay National Capital Region Police Office Regional Director Guillermo Eleazar ang mga representante ng CHR ay sumasama sa pagiikot ng 21 sub task group. Partikular nilang babantayan ang kilos ng 13 PNP Civil Disturbance Management Contingent na ngayon ay naka-deploy para magbantay sa rally ng anti at pro-Duterte. Pero posible ayon kay Eleazar mas tutok ang mga taga CHR sa rally ng Anti-Duterte na ngayon ay nakatakdang magsagawa ng program sa harap ng St. Peter Church sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Matatandaang una nang iniutos ni PNP Chief Police Dir General Oscar Albayalde kay NCRPO Chief Eleazar na makipag-ugnayan sa CHR para sa SONA. Layon aniya nitong maging mas accountable ang mga pulis sa kanilang trabaho at magkaroon sila ng unbiased defenders sakaling may mga maling paratang na human rights violation laban s...

PRRD, hindi haharapin ang mga raliyista sa kanyang SONA

Image
Kinumpirma ni Special Assistant to the President Bong Go na hindi personal na haharapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga raliyista sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Matatandaang noong nakaraang taon, pagkatapos ng kanyang SONA ay hinarap ni Duterte ang mga raliyista na nagpahirap sa mga pulis sa pagbabantay sa Pangulo. Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde – naglatag na sila ng mga hakbang sakaling magbago ang isip ng Pangulo at kausapin ang mga raliyista. Para kay Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes – walang problema sa kanilang kung hindi sila haharapin ng Pangulo. Tiniyak naman ni Reyes na gaya aniya noong nakaraang taon, magiging mapayapa at maayos din ang mga kilos-protesta. https://rmn.ph/kumpirmado-prrd-hindi-haharapin-ang-mga-raliyista-sa-kanyang-sona/

5 miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa engkwentro sa Sulu

Image
Patay ang limang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf matapos makasagupa ang militar sa lalawigan ng Sulu. Unang nakasagupa ng militar ang nasa 20 mga bandido na grupo ni ASG sub-leader Almujer Yaddah partikular sa boundary ng Barangay Tanum at Barangay Liang, sa munisipyo ng Patikul. Apat na Abu Sayyaf ang kumpirmadong napatay habang limang ang sugatan sa panig ng mga sundalo. Samantala, muling nakasagupa ng mga sundalo ang nasa 20 din na mga Abu Sayyaf na grupo ni Almadjan Sahidjuan alyas Apoh Mike sa may Tabu-Bato, Maimbung. Dito ay napatay din ang isa pang Abu Sayyaf kung saan walang naiulat na casualty sa panig ng tropa ng pamahalaan. https://rmn.ph/bakbakan-5-miyembro-ng-abu-sayyaf-patay-sa-engkwentro-sa-sulu/

Police security detail para kay Sen. Antonio Trillanes, ibinalik na ng PNP

Image
Ibinalik na ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang security detail ni Senador Antonio Trillanes IV. Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, hindi lang si Trillanes ang nakaranas na alisan ng security detail dahil magkakaiba naman ang petsa na nagla-laps ang security order. Aniya, nag-expire lamang ang kontrata ng mga ito at kailangan lamang i-renew. Inamin naman ni Durana na utos ng Malacañang na pag-aralan ng PNP ang mga police security detail na ibinigay sa mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibidwal. Sabi ni Durana, ito ay para hindi magamit ang mga pulis lalo at papalapit na ang panahon ng eleksyon. Kabilang sa pinag-aaralan aniya ng PNP para mabigyan ng security detail ang isang tao ay ang antas ng panganib nito sa buhay. Article Source: https://rmn.ph/ibinalik-na-police-security-detail-para-kay-sen-antonio-trillanes-ibinalik-ng-pnp/

WALANG PASOK | Class cancellations for Wednesday, July 18, 2018

Image
Classes in the following areas have been suspended due to forecast bad weather on Wednesday, July 18. All levels Malabon Manila Marikina City Muntinlupa City Parañaque City Quezon City Valenzuela City Calumpit, Bulacan Meycauayan, Bulacan Guagua, Pampanga Zambales (except Olongapo City)  Please refresh this page for updates. 

Isa sa mataas na lider ng NPA at 4 pang miyembro, arestado sa Northern Samar

Image
Naaresto ng tropa ng militar ang isa sa pinakamataas na lider ng teroristang New Peoples Army (NPA) at apat pang miyembro ng NPA sa Northern Samar. Ayon kay Captain Rayann Velez tagapagsalita ng 8th Infantry Division ng Philippine Army alas-4:30 ng hapon kahapon ng madakip ang mga teroristang NPA. Kinilala ang naarestong lider na si Marieta Bartolo ang Front Secretary ng Metro 1, Sub-regional Committee Emporium. Ang Metro 1, Sub-regional Committee Emporium ay nago-operate sa mga munisipyo ng Pambujan, San Roque, Silvino Lobos, Las Navas, Mondragon at Catarman sa Northern Samar. Kinilala naman ang mga naarestong mga miyembro na sina Ruth Martirez Figueroa, Bayan Muna President-Northern Samar ang kasalukuyang Barangay Chairwoman ng University ng Eastern Philippines; Eboy Loberiano alyas Bagyo at Gil Martirez. Si Bartolo alyas Tayang ay may warrant of arrest na kinakaharap dahil sa kasong frustrated murder. Nakuha sa kanyang pag-iingat ang tatlong kalibre at isang Glock 9mm...

FEDERALISM Pinaniniwalaang maipatutupad bago matapos ang Duterte Administration

Image
Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na matatapos ang pagpapalit ng porma ng gobyerno patungo sa Federalismo bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, prayoridad ng adminsitrasyon sa pangunguna ni Pangulong Duterte ang pagbabago sa sistema ng gobyerno. Ito naman ang sinabi ni Roque sa harap narin ng katotohanan na hindi pa nakakausad ang kongreso para simulan ang hakbang para mapalitan ang porma ng gobyerno. Pero sinabi ni Roque na naniniwala sila na sa tamang panahon ay masisimulan din ito dahil ang pag-amiyenda sa Saligang Batas ay ang unang hakbang bago magkaroon ng Federal Form of Government. Pero binigyang diin din naman ni Roque na walang plano si Pangulong Duterte na kumapit sa posisyon at binasag din nito ang espekulasyon na hindi magkakaroon ng halalan sa susunod na taon. Source: https://rmn.ph/federalism-pagpapalit-ng-porma-ng-gobyerno-pinaniniwalaang-maipatutupad-bago-matapos-ang-duterte-adminis...