Posts

Showing posts from July, 2018

SUNOG | Libu-libong mga pamilya, nawalan ng tirahan sa Jolo, Sulu

Image
Nawalan ng tirahan ang nasa libu-libong mga pamilya makaraang sumiklab ang isang malaking sunog malapit sa boundary ng Barangay Busbus at Barangay Walled City, Jolo, Sulu. Sa ulat, higit sa 3,000 bahay ang nasunog sa Barangay Busbus kung saan inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dahilan nito. Samantala, isang hiwalay na sunog ang sumiklab sa Barangay Lambayog na karatig-barangay lamang ng Barangay Busbus at ayon sa Sulu Province Fire, aabot sa 5,000 pamilya ang apektado sa sunog. Nabatid na may apat na residente ang dinala sa ospital matapos magtamo ng sugat dahil sa sunog. https://rmn.ph/sunog-libu-libong-mga-pamilya-nawalan-ng-tirahan-sa-jolo-sulu/

Grace Poe kay GMA: "Wala na bang iba?’

Image
Nadismaya si Senator Grace Poe sa pagbag-o sa leadership sa House of Representatives sa diin si anay pangulo kag karun Pampangga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo ang ginbulos kay Cong. Pantaleon Alvarez bilang house speaker. “Bagama’t ako’y wala namang kapangyarihan na mamili dito sa lower House, minsan napapaisip ako, wala na bang ibang puwedeng pagpilian?” pahayag ni Poe. Sa pagbulos ni Arroyo sa ika-apat nga pinakamataas nga position sa pungsod, nagpaandam si Poe sa mga pumuluyo nga mangin vigilante sa ginapropose nga parliamentary form of government. “Kung magkakaroon ng parliamentary form of government, ang mamumuno sa Kongreso ay halos kapantay ang kapangyarihan sa presidente.” “So sabihin na natin, ang magiging speaker ngayon ay maging speaker ng panahon na iyan, ‘yan ba ang gusto ninyong pagbabago, na alam naman natin ay may pinagdaanan na ang ating bansa ng ilang taon?” https://rmn.ph/grace-poe-kay-gma-wala-na-bang-iba/

SONA ni Presidente Rodrigo Duterte

Image
Naihatid na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino ang kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA kahapon. Tumagal ang talumpati ng Pangulo ng 48-minuto na pinalakpakan ng 34 na beses. Sumentro ang SONA ni Pangulong Duterte sa illegal na droga, terorismo, TRAIN Law at pederalismo. Sinunod din ni Pangulong Duterte ang kanyang nakahandang talumpati na nagsasaad ng mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng dalawang taon. Bahagi din ng talumpati ng Pangulo ang paglatag ng mga plano niya pang gawin sa natitira niyang termino sa puwesto. Hindi naman nakitaan ng mahahabang impromptu speeches ang SONA kung saan kilala ang Pangulong Duterte. Kapansin-pansin din sa naging talumpati ng pangulo na wala ito halong pagmumura. Gayunman, naantala ang talumpati ni Pangulong Duterte ng isang oras at dalawampu’t isang minuto na dapat sana ay nagsimula ng alas- 4:00 ng hapon. http://www.dwiz882am.com/index.php/talumpati-ni-pangulong-duterte-sa-kanyang-ikatlong-sona-

Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, itutuloy ang mga legislative agenda ng Palasyo

Image
Nangako si dating Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Arroyo na itutuloy niya ang mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Arroyo sa kanyang inilabas na statement na asahang susuportahan at itutuloy niya ang mga panukalang batas na nais maipasa ni Pangulong Duterte sa Kamara. Ikinararangal din ni Arroyo ang pagpili sa kanya ng mga kapwa kongresista upang maging lider. Si GMA ay naluklok sa puwesto matapos makakuha ng 184 na Yes votes at 12 abstention sa naging botohan kagabi matapos ang SONA ng Pangulong Duterte. Wala namang lumalaban kay Arroyo bilang Speaker ng Mababang Kapulungan. Bago ang naging botohan kagabi una nang inihalal si GMA at pinanumpa sa harap ng mga dadalo sa SONA pero inulit ng mga kongresista ang botohan upang hindi makuwestyon ang legalidad nito. https://rmn.ph/nangako-speaker-gloria-macapagal-arroyo-itutuloy-ang-mga-legislative-agenda-ng-palasyo/

Pagkakatalaga kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, hindi nagustuhan ng ilang mambabatas

Image
Dismayado ang ilang mamababatas sa pagkakatalaga kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong House Speaker. Ayon kay Senadora Grace Poe, nakakapaghina ng loob ang nangyaring pagpapalit ng liderato ng Kamara lalo na sa mga nakikipaglaban para hustisya. Sabi naman ni Senadora Risa Hontiveros, pinapakita lamang nito kung gaano kahina ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tinawag naman ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago si Arroyyo na Election Cheater At Plunderer. Giit ni Elago, huwag sanang kalimutan ang kapalpakan sa termino ni Arroyo noong siya pa ang presidente. https://rmn.ph/dismayado-pagkakatalaga-kay-pampanga-rep-gloria-macapagal-arroyo-hindi-nagustuhan-ng-ilang-mambabatas/

Grupong Kadamay, nagkilos protesta sa harap ng NHA

Image
Nangalampag sa harap ng National Housing Authority (NHA) ang grupo ng KADAMAY bago ang nakatakda nilang pagmartsa sa rally site. Nagsagawa ng programa ang naturang urban poor group. Ayon sa Kadamay, maraming mga nakatiwangwang na mga housing projects ang gobyerno. Iginiit nila na agaran na nang ipamahagi sa mga maralita ang mga housing projects na hindi inookupahan ng mga sinasabing mga benepisaryo. Maliban sa Kadamay, nagsagawa naman ng kilos protesta sa PHILCOA ang Lakbayan Southern Tagalog. May hiwalay din na programa sa PHILCOA ang PISTON na bitbit ang isyu ng no to jeepney phase-out. https://rmn.ph/kilos-protesta-grupong-kadamay-nagkilos-protesta-sa-harap-ng-nha/

CHR Nakakalat sa mga Command Post para sa SONA

Image
Nakakalat na ngayon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue dito sa Quezon City ang apatnapung mga representante mula sa Commission on Human Rights (CHR). Ayon kay National Capital Region Police Office Regional Director Guillermo Eleazar ang mga representante ng CHR ay sumasama sa pagiikot ng 21 sub task group. Partikular nilang babantayan ang kilos ng 13 PNP Civil Disturbance Management Contingent na ngayon ay naka-deploy para magbantay sa rally ng anti at pro-Duterte. Pero posible ayon kay Eleazar mas tutok ang mga taga CHR sa rally ng Anti-Duterte na ngayon ay nakatakdang magsagawa ng program sa harap ng St. Peter Church sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Matatandaang una nang iniutos ni PNP Chief Police Dir General Oscar Albayalde kay NCRPO Chief Eleazar na makipag-ugnayan sa CHR para sa SONA. Layon aniya nitong maging mas accountable ang mga pulis sa kanilang trabaho at magkaroon sila ng unbiased defenders sakaling may mga maling paratang na human rights violation laban s

PRRD, hindi haharapin ang mga raliyista sa kanyang SONA

Image
Kinumpirma ni Special Assistant to the President Bong Go na hindi personal na haharapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga raliyista sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Matatandaang noong nakaraang taon, pagkatapos ng kanyang SONA ay hinarap ni Duterte ang mga raliyista na nagpahirap sa mga pulis sa pagbabantay sa Pangulo. Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde – naglatag na sila ng mga hakbang sakaling magbago ang isip ng Pangulo at kausapin ang mga raliyista. Para kay Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes – walang problema sa kanilang kung hindi sila haharapin ng Pangulo. Tiniyak naman ni Reyes na gaya aniya noong nakaraang taon, magiging mapayapa at maayos din ang mga kilos-protesta. https://rmn.ph/kumpirmado-prrd-hindi-haharapin-ang-mga-raliyista-sa-kanyang-sona/

5 miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa engkwentro sa Sulu

Image
Patay ang limang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf matapos makasagupa ang militar sa lalawigan ng Sulu. Unang nakasagupa ng militar ang nasa 20 mga bandido na grupo ni ASG sub-leader Almujer Yaddah partikular sa boundary ng Barangay Tanum at Barangay Liang, sa munisipyo ng Patikul. Apat na Abu Sayyaf ang kumpirmadong napatay habang limang ang sugatan sa panig ng mga sundalo. Samantala, muling nakasagupa ng mga sundalo ang nasa 20 din na mga Abu Sayyaf na grupo ni Almadjan Sahidjuan alyas Apoh Mike sa may Tabu-Bato, Maimbung. Dito ay napatay din ang isa pang Abu Sayyaf kung saan walang naiulat na casualty sa panig ng tropa ng pamahalaan. https://rmn.ph/bakbakan-5-miyembro-ng-abu-sayyaf-patay-sa-engkwentro-sa-sulu/

Police security detail para kay Sen. Antonio Trillanes, ibinalik na ng PNP

Image
Ibinalik na ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang security detail ni Senador Antonio Trillanes IV. Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, hindi lang si Trillanes ang nakaranas na alisan ng security detail dahil magkakaiba naman ang petsa na nagla-laps ang security order. Aniya, nag-expire lamang ang kontrata ng mga ito at kailangan lamang i-renew. Inamin naman ni Durana na utos ng Malacañang na pag-aralan ng PNP ang mga police security detail na ibinigay sa mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibidwal. Sabi ni Durana, ito ay para hindi magamit ang mga pulis lalo at papalapit na ang panahon ng eleksyon. Kabilang sa pinag-aaralan aniya ng PNP para mabigyan ng security detail ang isang tao ay ang antas ng panganib nito sa buhay. Article Source: https://rmn.ph/ibinalik-na-police-security-detail-para-kay-sen-antonio-trillanes-ibinalik-ng-pnp/

WALANG PASOK | Class cancellations for Wednesday, July 18, 2018

Image
Classes in the following areas have been suspended due to forecast bad weather on Wednesday, July 18. All levels Malabon Manila Marikina City Muntinlupa City Parañaque City Quezon City Valenzuela City Calumpit, Bulacan Meycauayan, Bulacan Guagua, Pampanga Zambales (except Olongapo City)  Please refresh this page for updates. 

Isa sa mataas na lider ng NPA at 4 pang miyembro, arestado sa Northern Samar

Image
Naaresto ng tropa ng militar ang isa sa pinakamataas na lider ng teroristang New Peoples Army (NPA) at apat pang miyembro ng NPA sa Northern Samar. Ayon kay Captain Rayann Velez tagapagsalita ng 8th Infantry Division ng Philippine Army alas-4:30 ng hapon kahapon ng madakip ang mga teroristang NPA. Kinilala ang naarestong lider na si Marieta Bartolo ang Front Secretary ng Metro 1, Sub-regional Committee Emporium. Ang Metro 1, Sub-regional Committee Emporium ay nago-operate sa mga munisipyo ng Pambujan, San Roque, Silvino Lobos, Las Navas, Mondragon at Catarman sa Northern Samar. Kinilala naman ang mga naarestong mga miyembro na sina Ruth Martirez Figueroa, Bayan Muna President-Northern Samar ang kasalukuyang Barangay Chairwoman ng University ng Eastern Philippines; Eboy Loberiano alyas Bagyo at Gil Martirez. Si Bartolo alyas Tayang ay may warrant of arrest na kinakaharap dahil sa kasong frustrated murder. Nakuha sa kanyang pag-iingat ang tatlong kalibre at isang Glock 9mm

FEDERALISM Pinaniniwalaang maipatutupad bago matapos ang Duterte Administration

Image
Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na matatapos ang pagpapalit ng porma ng gobyerno patungo sa Federalismo bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, prayoridad ng adminsitrasyon sa pangunguna ni Pangulong Duterte ang pagbabago sa sistema ng gobyerno. Ito naman ang sinabi ni Roque sa harap narin ng katotohanan na hindi pa nakakausad ang kongreso para simulan ang hakbang para mapalitan ang porma ng gobyerno. Pero sinabi ni Roque na naniniwala sila na sa tamang panahon ay masisimulan din ito dahil ang pag-amiyenda sa Saligang Batas ay ang unang hakbang bago magkaroon ng Federal Form of Government. Pero binigyang diin din naman ni Roque na walang plano si Pangulong Duterte na kumapit sa posisyon at binasag din nito ang espekulasyon na hindi magkakaroon ng halalan sa susunod na taon. Source: https://rmn.ph/federalism-pagpapalit-ng-porma-ng-gobyerno-pinaniniwalaang-maipatutupad-bago-matapos-ang-duterte-adminis

Leni Robredo Bistado: Municipal Election Commissioner sa Bato, CamSur Nagsalita na Tungkol sa “Wet ballots”

Image
Kaliwa’t-kanan na ang intrigang kinakaharap ngayon ng kampo ni Vice Presdient Leni Robredo matapos ang ‘wet ballots’ at ang ‘missing audit logs’. Nadagdagan pa ito ng sabihin ng abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, na kaya basa ang mga balota ay dahil sa bagyong tumama sa Camarines Sur. Sa Facebook post ni Netizen Sumagui Anthony, saad niya pinabulaan ng Municipal Election Commissioner sa Bato, CamSur ang dahilan ng kampo ni Robredo. Ang mga balota umano sa CamSur ay maayos ang lagay bago maipadala sa Maynila, “sealed with complete documentation, with all the audit log form within, signed with other municipal COMMELEC officers.” Ito ang nagpapatibay na may sabotaheng naganap, kaya naman nag-iwan rin ng mensahe si Anthony para kay Macalintal. Saad niya, “Nagsasalita ung abogado na ni leni Fraudredo, parang sya narin ata ang tumataung spokesman ng COMMELEC, God job Atty Macalintal, yayaman ka jan. Wag lang mabukya.” Basahin ang kanyang buong pahaya

GOOD NEWS! Prepaid load below P300, valid na ng isang taon

Image
Pinalawig na ng Smart Communications at Globe Telecom ng hanggang isang taon ang validity ng prepaid loads. Ibig sabihin, sa loob ng isang taon ay hindi ma-e-expire ang mga ilo-load na mas mababa sa 300 pesos. Una nang ipinatupad nitong Enero ang pagpapatupad ng one-year validity period sa mga prepaid load mula 300 pesos pataas. Tumalima ang telecom giants sa memorandum circular na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Information and Communications Technology (DICT). Sa statement ng Smart, ang lahat ng load denominations para sa Smart prepaid, Smart bro, Talk n’ Text, Sun prepaid, Sun broadband wireless prepaid, Smart link, smart marino, PLDT prepaid landline plus at PLDT home ay valid na ng isang taon. Ang Globe prepaid subscribers ay ma-e-enjoy na rin ang one-year load validity. Article Source: https://rmn.ph/good-news-prepaid-load-below-p300-valid-na-ng-isang-taon/

Pasyenteng Nabaril, Binawian ng Buhay sa Kakahintay ng 3 oras sa Doktor

Image
Trending ngayon ang post sa social media ng isang Netizen tungkol sa naging kapabayaan ng Clinica Antipolo Hospital & Wellness Center sa isang pasyente na nabaril. Ang nag post tungkol dito ay ang ina mismo ng pasyente na si Rhina Paraon Pigar. Pinost niya ito sa Facebook group ng Raffy Tulfo in Action kahapon lamang na agad naman nag-viral. Sa ngayon ay umabot na ito 39,297 Shares. Ayon kay Pigar, pinaasa umano sila ng mga nurses sa nasabing hospital. Pagdating raw nila sa hospital ay agad naman inagapan ang pasyente at sinabihan raw sila na “stable” ang lagay ng pasyente. Sinabihan pa sila nag mag-relax lang raw dahil tinawagan na raw nila ang doktor pero umabot nalang ng 3 oras ay walang doktor na dumating. Basahin nalang po ninyo ang buong pahayag o post ni Rhina Paraon Pigar tungkol dito para po mas maintidihan. Ang post ni Pigar “Clinica Antipolo Hospital Wellness Center 10:26pm sinugod namin dito sa Clinica Antipolo Hospital Wellness Center Private hospital na

4 patay sa sunog na nangyari sa SK Maguindanao, Dahilan ng insidente sinadya umano!

Image
COTABATO CITY – APAT NA MIYEMBRO ng pamilya kabilang ang ama ng tahanan ang nasawi matapos na lamunin ng apoy ang limang mga tahanan alas dos ng madaling araw kanina sa Purok Niyog, Brgy. Katuli bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao. Nakilala ang mga nasawi na sina Damos Araneta ang padre de pamilya, mga anak nito na sina Mujahid Araneta Grade 3 pupil, Dagul Araneta Grade 1 pupil at Vina Araneta Kindergarten. Sa panayam ngayong umaga ng Brigada News FM Cotabato Sultan Kudarat SFO1 Muhalidin Kasan, ang chief investigator ng Bureau of Fire Protection ng bayan, nagsimula ang sunog sa bahay ni Ginoong Araneta at mabilis itong kumalat sa apat na mga kabahayan. Kabilang sa mga nadamay na mga tahanan na natupok din ng apoy ang bahay nina Nila Usman, Gigi Araneta, Saad Zaede, at Samson Zaide na hanggang ngayon ay patuloy na inaalam ng BFP kung magkano ang danyos na iniwan ng sunog. Naglabasan naman ang mga haka-haka mula mismo sa mga residente na sinadya di-umano ni Ginoong Damos Aran

Mga Kandidato ng LP para sa Senado, Laglag sa Pulse Asia Survey

Image
Mukhang magsasaya ang mga Duterte supporters dahil sa balitang ito. Marami sa mga manok ng Liberal Party (LP) ang hindi mananalo sa pagka-Senador ayon ito sa latest survey ng Pulse Asia. Ito ang unang anim na posibleng senatorial candidates ng Resistance Coalition na binigay ni Liberal Party President at Sen. Francis Pangilinan para sa 2019 midterm election. Sila ay sina former Quezon Rep. Erin Tañada, Magdalo Rep. Gary Alejano, Sen. Bam Aquino, aktres na si Agot Isidro, human rights lawyer na si Jose Manuel Diokno at law professor Barry Gutierrez. Ngunit sa pinakitang survey ng Pulse Asia na ginawa noong June 15 hanggang June 25 nitong taon lamang (2018). Tila mahihirapan ang mga kanditadong ito makapasok sa senado. Maswerteng si Bam Aquino lang ang mukhang papalarin sa anim na kandidato at hindi pa ito posibling manalo dahil nasa 10-16 posisyon ito. Article Source: http://updatedtayo.info/mga-kandidato-ng-lp-para-sa-senado-laglag-sa-survey

Darating Din ang Bagong Umaga (An Inspiring True Story)

Image
Nasa ikatlong taon noon sa elementarya si Shiela nang umalis ang kaniyang ama na si Mang Pedring, patungo sa Saudi.  Ayaw sanang umalis ng kaniyang ama, subalit hirap na rin ng buhay ang nagtaboy dito. Kahit malungkot ang pamilya ni Shiela ay nauunawaan naman nila na ang pag-alis ng ama ay may dalang pag-asa. Apat silang magkakapatid, dalawang babae at dalawang lalake. Mahirap lamang naman kasi ang kanilang buhay. Mabuti na lamang at tinulungan sila ng kaniyang Tito Roland; kapatid ng kaniyang ama. Ang Tito Roland niya ang sumagot sa placement fee at nakaalis patungong Saudi si Mang Pedring. Pero bakit ganoon, hindi nagpapadala ng pera ang kaniyang ama?   Alalang-alala sila lalo na ang kaniyang Ina. Lumipas ang ilang buwan, at isang araw ay biglang umuwi ang kaniyang ama. “Anong nangyari sa iyo”tanong ni Aling Mila, ang ina ni Shiela Maluha-luha si Mang Pedring nang ito ay magsalita. “Niloko kami ng ahensiya.  Nang dumating ako roon kasama ng iba pa ay wala palang nagh

'Super Typhoon' Maria enters PAR, Bagyong Gardo PAGASA weather update July 9, 2018

Image
The typhoon with international name "Maria" has entered the Philippine Area of Responsibility (PAR) and was named Gardo, state weather bureau PAGASA announced in its 5:00 a.m. update on Monday, July 9, 2018. At 4:00 a.m. today, the eye of Typhoon Gardo was located based on all available data at 1,325 km East of Basco, Batanes (21.3 °N, 134.7 °E). 'Bagyong Gardo' has maximum sustained winds of 200 kph near the center and gustiness of up to 245 kph. It is forecast to move West Northwest at 30 km/h. Forecast Positions:  24 Hour(Tomorrow morning): 760 km East Northeast of Basco, Batanes(23.2°N, 128.7°E) 48 Hour(Wednesday morning):555 km North of Basco, Batanes (OUTSIDE PAR)(25.4°N, 122.5°E) 72 Hour(Thursday morning): 1,065 km Northwest of Basco, Batanes (OUTSIDE PAR)(28.2°N, 115.8°E) NOTE: NO TROPICAL CYCLONE WARNING SIGNAL raised as of press time. "GARDO" may enhance the Southwest Monsoon (Habagat) which will bring monsoon rains over MIMARO

#WalangPasok: Class suspensions on Monday, July 9, 2018

Image
Here's the updated list of class suspensions for Monday, July 9, 2018 due to Habagat and threat of Typhoon Maria, local name 'Gardo'. Refresh this page for updates. The following are the places that have announced class cancellations for Monday, July 9, 2018. All levels Abra province Bataan province Balagtas, Bulacan Marilao, Bulacan Meycauayan, Bulacan Obando, Bulacan Cavite province Bacoor, Cavite Dasmariñas, Cavite Imus, Cavite Noveleta, Cavite Silang, Cavite Laguna province Caloocan City, Metro Manila Las Piñas City, Metro Manila Malabon City, Metro Manila Mandaluyong City, Metro Manila City of Manila, Metro Manila Marikina City, Metro Manila Muntinlupa City, Metro Manila Navotas City, Metro Manila Parañaque City, Metro Manila Pasay City, Metro Manila Pateros, Metro Manila San Juan City, Metro Manila Taguig City, Metro Manila Valenzuela City, Metro Manila Angono, Rizal Baras, Rizal Binangonan, Rizal Cainta, Rizal Cardona, Rizal

Bagyong ‘Maria’, super typhoon na

Image
Naging super typhoon na ang binabantayang bagyo na may international name na Maria. Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes pero Linggo pa lang ay palalakasin na nito ang Habagat. Idineklara ng U.S Joint Typhoon Warning Center na category 5 ang bagyo na katumbas ng isang super typhoon. May lakas ito ng hanging aabot sa 260 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 315 kilometro kada oras. Nagbabantang manalasa ang bagyo sa Jaoan at eastern China sa susunod na linggo. Article Source: https://remate.ph/2018/07/06/bagyong-maria-super-typhoon-na/

Indonesia ferry tragedy: 31 dead as boat sinks

Image
At least 130 passengers have been rescued from a sinking ferry off an Indonesian island, but 31 people were killed when the vessel went down in rough seas. After spending the night on the stricken boat, the passengers were rescued early on Wednesday morning, officials said. The KM Lestari Maju, which began sinking in rough seas near Sulawesi on Tuesday afternoon, had 139 passengers on board. The vessel's captain steered it towards shore in a bid to save lives, grounding it between 655-985 feet (200-300 meters) from land. Amiruddin, chief of the South Sulawesi search and rescue agency, said there were 164 people on the vessel including crew and that 130 survived. Three are missing, believed drowned inside the craft. "We are still searching for three others who we strongly believe are still inside the ship," Amiruddin, who goes by a single name, said. Indonesia's Director-General of Sea Transportation, Agus Purnomo, confirmed in a statement that people tra

Death Penalty Bill Haharangin Daw ni Senator Trillanes

Image
Haharangin daw ni Senator Antonio Trillanes IV ang paglusot sa Senado ng panukalang pagbabalik ng parusang bitay. Katwiran ng senador, hindi na kailangan ang death penalty dahil kaliwa’t kanan na ang mga kaso ng pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga. Diin pa niya, umiiral na ngayon ang kultura ng pagpatay dito sa Pilipinas matapos sentensyahan ng kamatayan ang maraming Pilipino ng hindi dumadaan sa korte. Ikinatwiran pa ni Trillanes na ang pagbalik sa death penalty ay nagpapakita lang na paurong ang takbo ng ating justice system. Giit ni Trillanes, sa halip na ibalik ang parusang bitay ay mas makabubuting ayusin muna ang sistema sa Hudikatura ng bansa.

Pinay OFW sa Abu Dhabi Niregaluhan ng House and Lot ng Kanyang Employer

Image
Filipina Nanny in Abu Dhabi Gifted With House and Lot By Generous Employer A Filipina nanny in Abu Dhabi was gifted by her employer enormous amount of cash, enough to buy a land in her hometown. Dina Tenerife Celo, 45, from Sagnay, Camarines Sur, never thought that she will be given an enormous gift from her generous employer. Melissa McPike, Celo’s employer, gave her Dh23,000 or approximately P320,000 last Oct. 2017 to purchase a land in her province. McPike also said that she will help finance the entire construction of the house. As soon as the construction gets done, the employer’s whole family is set to visit the house of their nanny. “Mangiyak-ngiyak ako sa sobrang tuwa… ‘Di ko yun inaasahan. Randomly, inabot nalang ni Ma’am Missa ‘yung pera sa akin. Sabi n’ya alam daw nilang wala akong naipon man lang dahil tumutulong din ako sa pamilya ko,” says Celo. “Sabi ni ma’am, pati ng mga alaga ko, hayaan ko daw namang sila naman ang magparamdam sa akin ng pagmamahal

Dating Health Sec. Janette Garin, iginiit na wala siyang ibinulsang pera

Image
Nanindigan si dating Health Secretary Janette Garin na wala siyang tinanggap na pera mula sa P10.6 bilyong proyekto para sa pagpapatayo ng Barangay Health Station (BHS). Ayon ay Garin, mas marami silang naresolbang issue ng korapsyon at iregularidad noong nasa DOH pa siya. Kinontra rin ni Garin ang pahayag ng mga kritiko na iniwan nito sa kalunos-lunos na kalagayan ang DOH matapos ang kaniyang panunungkulan. Kasabay nito, hinamon ni Garin ang kaniyang kritiko na sampahan rin ng kaso sina dating Health Secretary Paulyn Ubial dahil ito aniya dapat ang nagpatuloy ng mga naunang proyekto ng DOH. Giit pa ni Garin, kung nagkaroon ng anomalya sa BHS ay hindi na dapat ito ipinagpatuloy ng sumunod na administrayon. Article Source: https://rmn.ph/nanindigan-dating-health-sec-janette-garin-iginiit-na-wala-siyang-ibinulsang-pera/

Apat na suspek na nasa likod ng ‘bible study ni pastor hokage, Facebook page’, iniimbestigahan na ng NBI

Image
Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na suspek mula sa kontrobersyal na Facebook group na ‘bible study ni pastor hokage’. Ang nasabing group ay nagpapakalat ng mga malalaswang larawan at litrato ng mga babae. Ayon kay NBI Cybercrime Division Atty. Francis Senora – nakakatanggap na sila ng reklamo mula sa ilang babae na nabiktima ng nasabing group. Ang ilan sa mga ito, panakaw pang kinunan ng litrato ang maselang bahagi ng kanilang katawan at pinost sa group. Iginiit ni Senora – may pananagutan ang mga nag-share o nagpapakalat ng mga pribadong litrato sa ilalim ng anti-photo at video voyeurism act na may parusang anim hanggang 12 taong (year) pagkakakulong. Nakikipag-ugnayan na rin ang nbi sa Facebook para matukoy kung sino ang mga nasa likod ng nasabing group.

Ice cream Vendor Binigyan ng House and Lot at Tulong Financial ni Senator Manny Pacquiao

Image
A heartwarming afternoon today. surely, SEN MANNY PACQUIAO is such a good and humble man. while mp is waiting inside his car, i called manong ice cream as he passed by to buy ice cream. sobrang init kanina. and i realized it was manong na lagi ko binibilhan pag npapadaan s building kng san ako ngttrabaho. i bought 10pcs of ice cream and gave 1 to mp. and mp suddenly said "tawagin mo c manong". ngulat c manong ng sinabi kong may papakilala ako sknya at isang manny pacquiao ang kanyang nkita. Binigyan c manong ng 3k. and later on.. konteng usap with manong.. may 3 anak sya at di pa nkakapag enroll. and recently had a stroke. naawa c mp.. binigyan ng 30k. and question follows from mp "san ka nkatira?" manong is renting a house daw sa bula. and mp suddenly said... "ngrerenta ka? next week bibigyan kita ng bahay at lupa" c manong parang nananaginip at mangiyak ngiyak s pasasalamat. today is surely a blessing. may pambili n ng gamot c mano

Taxi Natiyempuhan ni idol Raffy Tulfo na Tumangging Magsakay ang Isang PWD

Image
Habang papasok si Idol Raffy Tulfo sa TV5, tiyempong nakita niya ang isang taxi na tinanggihang isakay ang pasaherong PWD (persons with disabilities). Nakatikim ng sangkatutak na pananabon mula kay idol Raffy ang taxi driver matapos niya itong habulin. Nakasakay din sa taxi ang PWD at kasama nito tapos sinagot pa ni Idol ang pamasahe nila. Hindi naman mapigil ang tuwa ng mga Netizen sa ginawa nang idol nating si Rafy Tulfo at ito ang kanilang mga reaksiyon. Panoorin ang full video sa ibaba mga ka-DDS. Anong masasabi niyo? Leave your comments below.

Duterte, pinakain ng papel ang lalaking nangolekta raw ng upa sa lupang 'di naman kanya

Image

Lagman, nanawagan sa Senado na suportahan ang furlough ni Sen. De Lima

Image
Hiniling ni Albay Rep. Edcel Lagman sa Senado na suportahan ng mga senador ang furlough na hinihiling ni Senator Leila de Lima upang makalahok sa botohan sa mga mahahalagang panukalang batas. Paliwanag ni Lagman, may basehan ang hiling ni de Lima dahil ito ay isang halal na senador at may karapatan at katungkulan na makilahok sa botohan sa mga panukala. Ito rin aniya ay nakapaloob sa Konstitusyon ng bansa. Aniya, presumed innocent pa rin ang senadora habang hindi ito nahahatulan ng korte base na rin sa bill of rights. Hindi rin flight risk si De Lima at may security escort naman na titiyak na babalik ito sa detensyon pagkatapos na makaboto sa Senado. Si Lagman, kasama ang iba pang bumubuo ng Magnificent 7 sa kamara ay bumisita ngayon kay de Lima sa Kampo Krame.

Its Better For Duterte to Resign Now, Before The Most Big People Power Face Him, – Soc, Villegas

Image
CBCP President Socrates Villegas made his homily this  Sunday encouraging our President to step down and file a resignation as a President or else they will pursue a massive rally that much bigger than EDSA People Power. DEAR MR. PRESIDENT What the World desperately needs now is leadership by example. We have so many leaders in the office and many more aspiring to sit in office but are they examples of good citizenship? If the leaders we choose are to be leaders for national progress they must be visionaries and exemplary. Corruption is indeed a great scourge of Philippine politics. The usual face of corruption that we recognize easily is stealing from public funds. Corruption, like a monster, is a devil with many faces. Killing people is corruption. Killing is a crime and a sin whether it is done by criminals or public officials no matter what the intention. Adultery is corruption. It makes married love cheap and uses people for pleasure. Adultery corrupts the

Jollibee Style Fried Chicken Recipe

Image
Ingredients 2 kilos chicken, your choice cuts salt and pepper cooking oil for deep frying For the breading: 1 cup all-purpose flour 1 cup cornstarch 1 Tbsp. five spice powder or ngohiong powder 1 Tbsp. garlic powder 1 tsp. fine salt, adjust if necessary Instructions Put the chicken pieces in a bowl and season with salt and pepper. Rub andpress each chicken with the salt and pepper so all the pieces is evenly coated. Next, to make the breading, in a mixing bowl, combine flour, cornstarch, five spice powder, garlic powder and salt. Stir the dry ingredients using a fork until all the ingredients are evenly mixed. Heat the oil in the deep fryer or deep frying pan for about 175°C. Coat a piece of chicken with the breading inside and out. Coat underneath the skin as well. Do it by pressing each chicken with the breading then shake off excess breading and fry it. Depending on the size of your fryer and the size of your chicken, you can put 4 to 5 pieces per batch. J